Ampalayang Pasko

Pasko na naman. Hindi ba’t kaysarap isipin na sa palapit na pagtatapos ng taon natin ipinagdiriwang ang Pasko. Na kung aalalahanin natin ang dahilan ng pagdiriwang nito ay dahil minsan, mula sa unang iyak ng isang sanggol ay nagkaroon ng pag-asa ang sangkatauhan.

Minsan, mula sa iyak ng isang sanggol ay nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng kwento ang mga luha, sugat at kawalan ng bawat taong nagdiriwang ng Pasko.

Naniniwala ako sa pag-ibig.

Naniniwala ako sa walang-hanggang pagmamahal. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig. Naniniwala akong kung pag-ibig ang pakikilusin natin ayon sa natural na agos nito, maraming pader ang mabubuwag, maraming alitan ang maaayos, maraming basag na puso ang maaaring mabuo muli.

Naniniwala ako dahil naranasan ko.

Walang imposible sa pag-ibig.

Mahirap nga lang mabuhay sa pag-ibig. Mahirap sapagkat tao tayo–napapagod, nagsasawa, nasasaktan, nagagalit, nagmumukmok, naghihintay at umaasa ng hustisya para sa mga bagay na bumasag sa ating tiwalang mabuti (at mapapagkatiwalaan) ang lahat ng tao.

Walang imposible; mahirap nga lang.

Mahirap magmahal kapag nasaktan ka. Mahirap magpatawad. Mahirap palagpasin na parang wala lang ang mga taong tila walang pakialam o konsiderasyon sa mga damdamin mo. Mahirap kasi gusto nating mahalin tayo sa paraang gusto natin.

Pero Pasko na, friend.

Pasko na uli.

Wag mo nang intayin mag-January 1 bago ka gumawa ng New Year’s Resolution. Pasko na, friend.

Bigyan mo ngayon ang sarili mo ng pagkakataong makatanggap ng regalo mula sa sarili mo.

Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Alam kong alam mo kung ano talaga ang kailangan mo para makausad ka. At sasabihin ko na rin na hindi madali, hindi makatarungan, hindi katanggap-tanggap. Nakakayamot, nakakagalit, nakakainis. Masakit.

Okey lang maramdaman mo yan. Proseso yan e.

Sa panahon kasi ngayon na nasasanay na ang mga tao sa instant, pakiramdam ng karamihan ay hindi para sa kanila ang mga bagay na dumadaan sa proseso. Ibahin mo ang sarili mo, friend.

Mahalaga ka–may halaga ka. Kaya dadaan ka sa proseso. Matatapyasan ka. Magdurugo ka. Pero babangon ka. Tatayo ka. Magpapatuloy ka. Hindi ka susuko, diba?

Ipangako mo sa sarili mong hindi ka mawawalan ng pag-asa. Ipangako mo sa sarili mong hindi mo tatalikuran ang regalo ng Bagong Simula.

Magsimula ka uli. Pasko na, friend.

Huwag kang mag-alala, huwag kang matakot. Maganda ang mga simula. Huwag mong pakinggan ang ibang magsasabing hindi para sa’yo ang bagong simula; mga duwag sila. Ikaw, matapang ka. Kung hindi man sa ngayon, magiging matapang ka bukas.

Mayroon akong isang malapit na kaibigang minsan ding nagmahal nang totoo; nasaktan din siya sa huli. Hindi ko malilimutan ang kinuwento niya sa akin tungkol sa sinabi niya sa kanyang irog sa kanilang paghihiwalay:

“Pinapatawad kita. Kung bukas magising ako na galit sa’yo, patatawarin kita uli. Kung sa isang linggo, isang buwan, o sa susunod na taon ay magalit uli ako, patatawarin pa rin kita. Araw-araw kitang patatawarin kung araw-araw ay magalit ako sa’yo.”

Balutin mo na ang regalo. Ipadala mo sa address mo.



Featured photo

 

Advertisements

About docpreciousjem

I write because I believe that "words create worlds." I try to find the extraordinary in ordinary moments of ordinary people.

3 comments

  1. Matamis na ampalaya. 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: