TULANG HANGGANG TULA LAMANG

https://i0.wp.com/cdn.tinybuddha.com/wp-content/uploads/2015/03/Toxic-Relationship.jpg

Minsan ay napaisip ako

Kung tama na umasa ako

Sa isang bagay na walang kasiguraduhan

Sa isang bagay na hindi alam ang kahahantungan

Bakit kinayang sumugal para sayo sinta?

Mag-intay ng mangyayari sa atin ba?

Alam kong maaaring hindi ako ang piliin mo

Ngunit kahit ganoon ay nag-aantay pa rin ako

Maaring sa ngayon ay nagmumukhang tanga

Ngunit dito ako ay sumasaya

Ang makita mga ngiti mong abot hanggang tenga

Mga mata mong kumikinang kapag ngumiti na…

Bawat sandal ikaw ang pinangarap

Kahit sa pag-gising o pagdilat

Sana ay masabi kang ‘may tayo’

Sana may tayo…

Author: Micro1

Photo Credit (here)

2 comments

Leave a comment