#ThursdayStories | The Adventures of Tala

Ito ang unang installment ng Thursday series naming mga single. Dahil single kami na maraming oras makipagkwentuhan, nabuo ang kwentong “dugtungan” na iyong mababasa maya-maya.

Simulan na natin ang istorya…


TALAdventures

[SFX: Voltes Five – Intro Song]

“Once upon a time bumili akong gasul, naka black dress…”

Sumakay ako sa Volvo ko papunta sa tindahan ng gasul…

Pero bumalik ako dahil nakalimutan kong magsapatos.

Kaya binuksan ko ang pinto ng walk-in closet ko,

Sa sobrang laki ng walk in closet ko, pag labas ko, nasa loob pa rin ako.

Muntik pa nga akong maligaw; buti na lang may mapa na nakadikit sa pader, kundi Fire Exit ang lalabasan ko.

Pero biglang nawalan ng kuryente.

Nagpanic ako, “Waaaaa!”

Pero walang nakakarinig sa akin.

At nagpapanic talaga ako, “Waaaaaaaaaaah!”

Pero wala namang tao.

Tapos may narinig na akong mga footsteps…na palapit sa akin…

At pagsilip ko, hindi siya footsteps, kamay pala, kaya handsteps.

Contortionist pala; kasi naglalakad gamit ang kamay.

Tapos nagising ako. Nakatulog pala ako sa mesa sa kusina namin. Naalala kong bibili nga pala ako ng gasul.

Kaya naman pinunasan ko muna ang tumulong laway ko at tsaka piniga ang basahan.

Tumayo ako at nagsapatos.

Pero wala pala akong sapatos.

Kaya pumunta ako sa pangalawang walk-in closet ko.

Nagulat ako pagbukas ko, portal to Narnia pala ito!

Sa sobrang pagka-bigla ay naisara ko ang closet. At muli kong binuksan, at muling nagulat, woah!!! Hogwarts na!!

Lumapit si Dumbledore, inabutan ako ng tsinelas.

At sabay tanong ko, “Wala bang Havaianas?”

Lumabas bigla si Snape at ginawa akong palaka! “Nnnooooooooo…”

*Kokak* *kokak*

To the rescue si Harry, kiniss ako at naging prinsesa.

Isinara ko na ang pinto ng closet at dali-daling lumabas ng bahay para mabili ang gasul.

Pero wala pala akong dalang pera.

Kaya pumunta akong bangko para magwithdraw ng pera.

Habang nasa ATM, may naramdaman akong tila matalim na bagay sa aking tagiliran.

Ibinulsa ko pala yung lapis ko kanina.

Akala ko pa naman maho-holdapan na ako. Whew.

At nagpatuloy na ako sa pag-withdraw. Kaya lang wala na palang laman ang savings account ko.

Wala na akong pambili ng gasul. 😦

Umuwi na lang ako ulit sa bahay na lugmok na lugmok.

Bukas magre-red dress na ako bago bumili ng gasul.

Pero lalaki talaga ako.

Kinabukasan nagising si Tala.

“Eto na ang araw na bibili ako ng gasul!” excited na sinabi ni Tala pagkamulat ng mata nyang may morning star pa.

– Wakas –

. . .

Natuwa ka ba sa nasaksihan mong istorya? O nainis ka? Hahahaha! I-komento mo na ‘yan!

— Mula sa matatabang utak ng mga single ng PSA
Advertisements

About docpreciousjem

I write because I believe that "words create worlds." I try to find the extraordinary in ordinary moments of ordinary people.

7 comments

  1. may Volvo pero gasul walang pambili hahahahaha

    Liked by 1 person

  2. Tinuloy pala ito. Haha! 😀 Ano kaya ang susunod na adventure ni Tala?

    Liked by 1 person

  3. “Bukas magre-red dress na ako bago bumili ng gasul.
    Pero lalaki talaga ako.”

    – ang dami kong tawa mga bente. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: