Para Sa Taong Muntik Ko Nang Minahal

kaibigan lang pala

Don’t get me wrong, mahal naman kita.

Mahal kita bilang kaibigan.

Minsan gusto kitang mahalin nang higit pa roon.

Ngunit nakakatakot.

Hindi ko kasi alam kung kaya kitang panindigan.

O kung kaya mo ba akong panindigan.

Pakiramdam ko, para tayong si Rosie at Alex sa Love Rosie.

Matagal nang nagmamahalan ngunit never namang nagkatuluyan (or at least after many long years after pa nagkatuluyan at di ko alam kung aabot tayo ron).

Ang nakakatawa, never natin sinubukan.

Sa totoo lang, nag-eenjoy ako sa friendship natin.

We can talk about anything under the sun.

We can be sweet and downright expressive.

We can be harsh and totally straightforward.

Never akong nahiya na sabihin sayo kung ano man yung nararamdaman ko.

Never ka rin nag-alinlangan na i-express yung mga nasa isip mo.

Sabi mo dati sakin, huwag muna akong magboboyfriend kasi mawawalan na ko ng time sayo.

Kaya hindi nga ako nagboboyfriend.

Pero never mo naman tinanong kung gusto ba kita maging boyfriend.

Abangers lang ata ako sayo at wala akong mahihita.

Pero nung finally nagtanong ka na,

hindi ko na masagot ng: “Oo, gusto ko. Gustong-gusto ko!”

Hindi ko na kasi nakikita yung sarili kong kasama ka.

Maraming nagbago—sa mga pananaw ko sa buhay,

sa hinahanap ko sa isang lalaki,

sa stand ko as a Christian.

Mahalaga sakin na pareho tayo ng mga panindigan sa buhay.

May mga bagay lang na hindi ko pwede i-compromise.

Pero minsan, naiisip ko parin kung ano kaya ang kinahinatnan kung naging tayo noon.

Ngunit mahalaga pa ba iyon?

Masaya ka naman ngayon kasama ang girlfriend mo.

Kaya masaya na rin ako para sayo.

Masaya rin ako kasi kahit hanggang ngayon,

Yung pagkakaibigan natin ay solid pa rin.

Kahit yun lang, solb na ko.

Author: Ji

Photo Credit (here)

Advertisements

7 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: