BAKIT KA SINGLE?

keep calm single

Title pa lang nakakaiyak na. Para sa iba, ang tanong na ito ay nakaka-offend. Iniisip na may mali ba sa pagiging mag-isa at kung makahusga ang mundo ay wagas. Pero para naman sa ibang single tulad ng mga myembro ng PSA parang sanay na kami sa mga ganyang tanong. Dinadaan na lang namin sa mga biro at tawa. Hello, ang saya kaya maging single, tanong nyo pa sa PSA. Hahaha

At dahil ang buwan ng Pebrero ay Single Awareness Month ay napagdesisyunan namin na magsulat tungkol sa pagiging single o kahit sa pag-ibig. Kaya binabasa mo ito ngayon dahil ako’y napag-utusan lamang. Joke.

May isa akong kaibigan na tulad ko ay SINGLE at tinanong ko sya ng makabagbag-damdaming na “Bakit ka single?”.

(Non verbatim)

AKO: Bakit ka single?

FRIEND: Maraming dahilan. Isa na ay ang aking career. (teacher itong aking friend na ito). Pinili kong maging single kasi hinihintay ko pa “syang” dumating.

At dahil makulit ako, tinanong ko din sya ng…

AKO: Naniniwala ka ba sa forever?

FRIEND: Naniniwala akong may forever kasi para sa akin pipiliin mo un. Pipiliin mong manatili, magmahal, magpatawad at magtiwala. Nasa tao naman kung pipiliin mong mag-let go, sumuko at bumitaw.

Nagbigay pa si friend na ibang meaning ng forever.

FRIEND: May iba rin namang forever ngang magkasama pero wala na ang love and care but still ou chose to be with him/her till the end. Para sa akin ang tunay na forever ay yung pag-ibig na hindi kumukupas. Pag-ibig na magbago man pero nanatili. Pag-ibig na kahit hindi na kayo magkasama, hindi man kayo tinadhana o kaya naman nauna na syang pagpahingahin ay hindi nawawala kundi nananatili.

Ang galing nya sumagot diba parang ako lang. Chos. Gusto ko sana syang yayain na sumali sa PSA pero sa kasamaang palad ay hindi naman sya blogger.

Madaming benefits ang pagiging single kaya ang iba ay mas pinipili na lang mag-isa. Ilan sa mga prebelehiyo ay ang mga sumusunod:

  1. Mas may time kang makilala ang sarili mo. Sabi nga ng iba mas mabuting pumasok sa isang relasyon na buo. Na kuntento ka na sa mga achievements mo sa buhay para wala ka nang pag-aalinlangan sa future. Tulungan mo muna ang sarili mo para magiging matatag. Humingi ng guidance from GOD cause being in a relationship doesn’t necessarily needs emotional investment but also physically, mentally and spiritually. Punan muna lahat ng pundasyon para siguradong matibay at di matitibag ng kahit anong unos.
  2. Mas makakatipid ka. Isipin mo na lang na daig mo pa ang mga senior citizens kasi sila 20% lang ang discount e ikaw e buong 100% ng “other half” mo ang natipid mo. Hahaha. Imagine kung ilang stickers sa Starbucks o Coffee Bean ang makokolekta mo dahil sa pag-inom mo mag-isa ng kape para makakuha ng planner for next year at ang una mong planuhin ay kung paano ka makaalis sa pagiging single dahil narealize mo na sa buong isang taon na malungkot pa lang mag-isa. LOL.
  3. Wala kang iisiping iba kundi sarili mo lang. Hindi ka mag-aalala kung kumain na ba sya, sino ang kasama nya, okay lang ba sya, o kung nakauwi na ba sya. Kumbaga malayo kang masaktan dahil sa selos at pag-aalala.
  4. Kung ikaw ay isang blogger at single, makukuha mo ang pinakabonggang privilege sa lahat at iyon ay ang makilala ang pinaka-AWESOME at lumalaking grupo ng Philippine Singles Association (PSA). Kaya kung sa tingin mo pasok ka sa dalawang requirements na nabanggit sa taas at ang iyong talent ay ang masaktan, maghintay o umasa, wag ka nang magpatumpik tumpik pa at sumali kana sa amin (Just leave a comment or visit my page)

Alam kong marami pang rason kung bakit pinili ng iba na maging single ang di ko nasulat. Kaya kung wala man sa taas ang rason mo, tatanungin kita “Bakit ka single?”.

Author: Idiosyncratic

Photo Credit (here)

Advertisements

14 comments

  1. Humbeym itong post na ‘to! Parang kausap ko ang sarili ko. Nakakairita pag sinasabi nilang mag-boyfriend na ako. Eh sa gusto kong hawak at kontrolado ko ang oras ko eh. Malayo pa namang lumampas ang edad ko sa kalendaryo (at mas lalong malayong bumingo!). Haliparot lang talaga ang mga friends kong gurang na. Lol!

    Liked by 2 people

  2. Reblogged this on Idiosyncratic and commented:

    Dahil ngayon ay buwan ng mga Single na karamihan ay bitter, narito ang isang post na marami ang makaka-relate. Lol. Enjoy reading.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: