Noon at Ngayon

buhay single noon at ngayon

Marunong ka bang maglangoy? O magpalutang-lutang sa pool? Marunong ka bang magpaanod sa dagat? Napaka-passive. Napakatahimik ng tenga ko sa ilalim ng tubig. Napakakalmado ng langit sa tuwing aking sisilipin. Hanggang kelan ako dito? Hanggang kelan bago masunog ang balat ko? Ang paghanap ng isang taong idadagdag ko sa aking buhay, karelasyon, bopren, jowa, jowaers, babe, bae, bebeloves, the one, future hubby, my loves, hindi ito ang aking priority ngayon.

Noon.

Noon, magaling akong magsulat ng marubdob na pag-ibig. Magaling akong magpanggap na nakasakay din ako sa Cloud 9. Ako ang tipo ng tao na madaling umibig. Sa mga ulap, sa bulaklak, sa mga gusali sa paligid, sa tunog ng halakhak, sa sumasabit na plema sa mahabang kwentuhan, sa pagngiti ng mga mata. Noon.

Noon. Magkwentuhan lang tayo ng hanggang madaling araw, kinabukasan mahal na kita. Maglakad lang tayo ng sabay ng walang patutunguhan sa ilalim ng bwan, mamaya pwede na kitang paksalan. Patawanin mo lang ako ng dalawang beses sa isang araw, tatlong beses sa gabi, ibibigay ko sayo ang susi ng puso ko. Kapag sinabi mong gusto mo ang aking mga ngiti, sa iyo na ang mundi ko. Noon.

Noon. Madali akong umibig. Madali rin akong masawi. Kaya tumanbak ang takot at hinanakit sa puso ko. Parang brick wall, bawat pagkasawi, nadadagdag sa aking depensa. Kaya tumigas ng tumigas. Pinatigas ng sipon at kulangot ng pag-iyak. Sa mga hindi totoong pag-ibig. Sa mga ilusyon. Sa mga pagmamahalang nabuo lamang pala sa aking isipan. Noon.

Sabi nila mas masakit ang heartbreak kapag tinext lang, kesa personal. Pero pinakamasakit sa lahat ang heartbreak na ako lang pala ang may gawa. Kaya wag mo akong tanungin kung bakit ito matigas. Kung bakit ito malamig. Kung bakit hindi ito sumisilakbo. Kung bakit, bakit, bakit.

Ngayon.

Masarap ang palutang-lutang sa kalawakan. Tahimik. Kalmado. Mahirap huminga. Nagmamasid sa mga nilalang na nilalamon ng isang ideya na pinalago ng komersyalismo. Nasusunog man ang balat ko, intact naman ang puso ko. Hanggang kailan ko kayang manatili dito? Ayokong lumubog muli at maghanap ng hindi nawawala. Hindi maaaring makita ang pating sa loob ng swimming pool. At hindi ka makakakita ng tiles sa ilalim ng dagat.

Author: Tala

Photo Credit (here)

Advertisements

One comment

  1. Ang ganda. Ang ganda. :”>

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: