Root Word: Iwan

Ewan… tapos Iwan.

Punjetry

Sa mga iniwan:

Sa salitang iniwan, halatang sinasadya niya

Masakit na nga yung salita, ginawa pa nya?

Pero sana okay ka lang

Kasi hindi naman sana mangyayari talaga yung iiwan ka niya

Kung sana ikaw ang naunang namaalam

Sa mga nang-iwan:

Sa salitang nang-iwan, halatang sinadya mo

Masakit na nga yung salita, ginawa mo pa?

Pero sana sagutin mo kung bakit mo ginawa

Kasi hindi naman sana mangyayari talaga yung iniwan mo siya

Kung sana ipinaglaban mo siya

Sa mga iniiwan:

Sa salitang iniiwan, halatang kasalukuyan niyang ginagawa at paunti-unti mo nang nararamdaman

Masakit na nga yung salita, ginagawa mo parin

Pero sana habang nangyayari siya, bigyan mo na siya ng babala

Kasi hindi naman sana mangyayari talaga na iniiwan mo siya

Kung sana sinasabi mo na agad sa kanya

Sa mga mang-iiwan:

Sa salitang mang-iiwan, una palang alam mo na pala

Masakit na nga yung salita, gagawin mo pa?

View original post 85 more words

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: