Congratulations to the Newly Elected PSA President and Vice Presidents

Dahil hindi nagpapatalo ang mga singles, nagkaroon din ng election ang Philippine Single Association (PSA) noong ika-9 ng Mayo. Malugod naming ibinabalita sa inyo na walang dayaang nangyari at walang vote buying. Clean, fair, honest, and single election lang ang mayroon. Mabuhay ang mga singles! Mabuhay si Pinoy!

Ayon sa datos na nakalap ng self-appointed PSA COMELEC Chairman na si Doctor Eamer, only 48% ang single voter’s turn out ngayon halalan. Naging madali naman ang pag-calculate ng mga nanalo dahil walo lang ang bumoto. Ito na ang resulta:

President:

Rhea- 0 votes
Marts– 1, 1, 1, 1, 1, 1, 1 = 7 votes
Clauie- 0 votes

Vice President:

Laarni- 1, 1, 1, 1 = 4 votes
Clauie- 1, 1, 1, 1 = 4 votes

Congratulations sa ating bagong Pangulo! Para sa pagbabago (ng status ng mga single)! Mabuhay si President Marts! Mabuhay! Iniluklok ka ng taong-bayan dahil naniniwala sila sa iyong single talents and skills. Landslide victory!

Pres Marts

Kuha ng isang netizen mula sa Victory Party ni President Marts kagabi. Sa kanyang victory speech, hindi niya kinalimutan na banggitin ang mga pangalang ng malalapit na kaibigan na tumulong sa kanyang pangangampanya.

Dahil tie ang dalawang kandidato sa Vice Presidents, silang dalawa na lang ang Vice Presidents. Isang VP for internal at isang VP for external. Ayon sa PSA Constitution (which is on-going pa din ang creation), ang VP for Internal Affairs ay ang kandidatong mas naunang pumasok sa PSA. Kaya si Clauie iyon.

Congratulations Vice President (Internal Affairs) Clauie! Isa sa uunahin niyang proyekto bilang Bise Presidente ay ang Akimbo Project!

akimbo

Congratulations din kay Vice President (External Affairs) Laarni! Sinisimulan na niya ngayon ang The Jump Project. Dahil tatalon na daw ang bawat single para sa pagbabago! Talon ng pagbabago!

jump

Nawa’y suportahan ng bawat single ang administrasyong ito. God bless Singles! God bless Philippines!


To know PSA, click:

Who We Are

Advertisements

2 comments

  1. Congratulations! πŸ˜‚ Nice Mr. President. Ikaw na

    Galing nyo tlga! Mabuhay nga mga singles. πŸ˜‚

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: