Kung Ikaw Ang Tsuper Ng Puso Ko

Confession of A Single

image

Kung ikaw ang tsuper ng puso ko,
Sasabihin mo rin bang,
Hindi mo kayang suklian
ang binayad kong isang daan,
O pipilitin mong masuklian kung anong nariyan?
Sasabihing ‘sandali lang, teka lang’
At sasagot, ‘sige, okey lang.’

Kung ikaw ang tsuper ng puso ko,
Handa akong maghintay,
Kung iyon ang kailangan.
Musiko ang libangan.
Habang hawak ang buhok ko
Na sa ihip ng hangin sumasabay.

Kung ikaw ang tsuper ng puso ko,
Hindi mo kailangan ipaalalang ‘kapit lang’
Pero hihilingin kong, sana ‘dahan dahan lang’
Nais kong makasama ka nang matagal
‘Yon ang aking dasal

Kung ikaw ang tsuper ng puso ko
Gusto kong itanong sayo,
Hanggang saan mo ako kayang dalhin?
Hanggang kailan mo paghihintayin?
Ang pusong ikaw ang dalangin.

Kung ikaw ang tsuper ng puso ko,
Gusto ko na sanang ipaalala,
‘Ang sukli ko.’
Nasaan na?
May maiaabot ka na ba?

Kung ikaw ang tsuper ng puso ko,

View original post 33 more words

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: