Nagmahal. Nasaktan. Humugot.

Sabi nila hindi daw maiiwasan na kapag magmamahal ka ay masasaktan ka. Kung kaya’t ihanda mo ang iyong sarili na masaktan kung gusto mo talagang magmahal. Ewan ko kung totoo iyon. Haha! Tingin ninyo?

humugot

Anyway, ito ang ilan sa mga hugot ng isang babaeng nagmahal, nagmamahal, at patuloy na magmamahal kahit na siya ay dati nang nasaktan.

1. Wag manila sa “bes” ang tawagan dahil sigurado, “beh” ang galawan.

>Ha? Hindi ko nagets bes. Haha!

2. Wag bumili ng couple watch kung ang oras naman niya ay nasa iba?

>Edi couple planner (notebook) na lang.

3. Pag bigla siyang nahilig sa mga grocery items gaya ng chocnut at jelly ace, may pagbibigyan siya nun. Ang masakit dun, ikaw pa ang nagbayad ng groceries. LOL.

>Pwede naman ibigay niya sa mga pamangkin niya. Haha!

4. Wag mo siyang gastusan sa mga trips niyo para lang sumama siya. Kasi may ginagastusan din siyang iba para sumama sa travels nila. LOL

>Grabe! Dapat nga lalaki ang gumagastos.

5. Pag nangutang siya kahit break na kayo dahil may kelangang ang kapatid niya sa school or may sakit ang tita niya etc, wag mong asahang magbabayad siya.

>Sabihin mo magloan na lang siya sa GSIS or SSS.

6. Pag break na kayo at may pasalubong sa kanya ang daddy mo from abroad, wag mo nang ibigay sa kanya. Kasi bukod sa pasalubong, mangungutang pa yun sayo. LOL

>Walang mangungutang kung walang magpapautang.

7. Pag sinabi ng lalake na ayaw na niya, ayaw na niya talaga. Hindi gaya ng babae na madalas eh nagpapalambing lang.

>Ayaw mo na din ba sa kanya? Haha!

8. Pag pinagpalit ka sa pangit, isipin mo na lang na mas bagay sila.

>Paano kung pinagpalit ka sa maganda? Iisipin mo pangit ka? Haha!

9. Pag ang other woman ay mas matapang pa sayo o mas feeling-biktima pa sayo, hayaan mo na. Baka wala kasi siyang tatay o kuya kaya sabik siya sa atensyon ng lalake. O baka kasi nabully siya nung kabataan niya.

>Pero other woman pa din siya.

10. Maganda ka. Wag mag-pity party. Hindi mo kasalanang iniwan ka o pinagpalit ka sa iba. Mas maigi kung ppaatawarin mo sila sapagkat di nila alam ang kanilang ginagawa. LOL.

>It’s not your lost. It’s his. Cheer up and move on girl!

May hugot ka ba? Ipadala mo ito sa amin.

Advertisements

2 comments

  1. wow! I enjoy reading this one 🙂 ang galing hehe! Iba talaga pag may hugot

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: