#M*rL*n*

Aaminin ko na duguan ako ng mga panahong una tayong nagkita.
Masakit ang mga sugat na iniwan ng bakas ng kahapon.
Pero patuloy tayong naglakad patungo sa isang magandang bukas.
Pinili natin ang bumangon at magsimulang muli.

May kung anong tumama sa ating mga puso.
Pana ba iyon ni Kupido?
Bakit noong una kitang makita ay nagliwanag ang langit?
Ito na ba ang senyales na ikaw ang itinadhana?

Alas kwatro ng madaling araw.
Hindi pa tayo ganoong magkakilala pero ang gaan ng loob ko sa iyo.
Ilang oras tayong nakasakay sa bus.
Mga oras na hindi ko namalayan na humibla sa ating simula.

Nagsimula tayo sa kuwentuhan.
Taga saan ka? Anong ginagawa mo sa buhay?
Iyon pala ang simula ng ating kwento.
Kwento ng isang pag-ibig.

Umakyat tayo sa Pico de Loro.
Medyo nahirapan ka sa ibang bahagi ng pag-akyat.
Natatandaan mo ba noong inabot ko ang aking mga kamay?
Hinawakan mo iyon at parang ayoko na ngang bitawan.

Noong nasa tuktok na tayo ay gusto kong sumigaw.
Bakit? Bakit nangyari ang mga bagay na iyon sa akin!
Alam ko namang hindi sasagot ang langit sa katanungang iyon.
Pero iyon pala, ikaw ang ibinigay ng langit.

Unti-unti kitang nakilala.
Kakaiba pala ang iyong ganda.
Masaya kang kasama.
Unti-unti din akong nahulog sa iyo.

Handa na ba talaga akong magmahal?
Hindi pa ba ako nadala na masaktan?
Ano ba itong aking nararamdaman?
Iyan ang ilan sa aking mga katanungan.

Lumipas ang mga araw at buwan.
Hindi ko namalayan na wala na pala ang sakit sa aking mga sugat.
Hindi na masakit.
Hindi ko na nga naalala na may sugat pala ako.

Natakot ka na baka panandalian lamang ang lahat.
Na baka biglang sumakit ulit ang mga sugat.
Natakot ka na baka panakip butas ka lamang.
Pero mas nanaig ang pag-ibig sa takot.

Kanina tinanong mo ako kung mahal ba kitang talaga.
Hindi ako sumagot.
Nagulat ka na paglingon mo sa akin ay may dala akong mga bulaklak.
Sabi ko na nagbibigay lamang ako ng mga ito sa taong mahal ko.

Sana ay hindi ito isang panaginip lamang.
Sana ay hindi bagyo na pagkalipas ng ilang araw ay mawawala na din.
Sana ay ito na ang walang hanggang pag-iibigan.
Pero alam kong tanging Panginoon lamang ang nakakaalam.

To be continued…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: